Wednesday, February 8, 2012

PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA TANDA NG KRUS PART III

Pasion Candaba ni Padre Aniceto de la Merced: Ipinangdedenggoy ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo (1914)

PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA TANDA NG KRUS PART III

            Naipangako natin sa ating mga masugid na tagasubaybay sa blog na ito na ipaglilingkod natin ang mga batayan sa Biblia kung bakit ang mga Katolikong Kristiyano ay nag-aantanda ng krus. Gagawin natin ito bilang pagsagot sa mga paratang ng mga Iglesia ni Cristo (1914).

Ang mga ministro ng Iglesia ni Cristo ay sanay na sanay na magbaluktot ng mga referencia para lamang may maipamaratang sa Iglesia Katolika. Isa sa mga aklat-Katoliko na palagi nang ginagamit ng mga kampon ni Manalo ay ang Pasion Candaba ng paring si Aniceto de la Merced. Sa pandodoktrina, pamamahayag at pangangaral ng INC, gasgas na gasgas na ang ang pag-gamit ng mga ministro ng INC sa Pasion Candaba na hindi naman opisyal na dokumento ng mga aral ng Santa Iglesia Katolika. Ginagamit ng mga ministro ng INC ang Pasion Candaba para linlangin ang kanilang kapwa.

Pasion Candaba naglalaman ng santas reflexiones lamang ng may-akdang si Padre Aniceto de la Merced. Bakit ipinagduduldulan ng INC na batayan ng aral ng mga Katoliko ang Pasiong ito?

Isa sa mga nalinlang ay isang tatanga-tangang miyembro ng Iglesia ni Cristo na nagkukubli sa huwad na pangalang “Jeremy Reyes.” Bagay na bagay nga: huwad na pangalan ng isang kaanib ng huwad na iglesia na tatag ng huwad na anghel. Kung gaano nauto ng kanyang mga ministro si Jeremy Reyes, nang-uuto rin siya ng kapwa gamit ang ipinang-uto sa kanya. Ito ang Pasion Candaba ni Padre Aniceto de la Merced.

Minsan ko nang nakadiskusyon itong si Jeremy Reyes sa pamosong blog ni Padre Abraham P. Arganiosa, CRS  na kung tawagin ay The Splendor of the Church.[1] Itong uto-utong si Jeremy Reyes ay parang hunyango na paiba-iba ng katauhan at pabago-bago ng pangalan kapag nalalampaso at nabubuking ang kanyang mga kasinungalingan. Isa sa mga kasinungalingang namana niya sa INC na ipinaparatang sa mga Katoliko ay tanda diumano ng Anti-Cristo ang pag-aantanda ng krus:

Pasion Candaba:  El Libro de la Vida y Historia Sagrada por Don Aniceto de la Merced

tanong? Ano ang PAGKAKAKILANLAN sa mga taong nagsisign f the cross? sa isang aklat katoliko pa rin na isinulat ng paring katoliko;

"Passion Candaba" by: Aniceto Dela Merced,p.207

“IPAG-UUTOS MAGQUINTAL sa NOO O CANANG CAMAY SUCAT PAGCACAQUILANLAN NA SILA NGA,I CAMPONG TUNAY NITONG ANTI CRISTONG HUNGHANG.”

ayon sa PASSIONG KATOLIKO na sinulat ng PARING KATOLIKO, ang mga naggsisign of the cross ay KAMPON NG MGA ANTI CRISTO,KAMPON ibig sabihin KALABAN ni CRISTO..ANTI CRISTO PALA ANG MGA TAO NA NAGSISIGN OF THE CROSS..SO BAT GINAGAWA NG MGA KATOLIKO YAN? KUNG TUNAY NA IGLESIA AT KAY CRISTO ANG IGLESIA KATOLIKA??”

Masakit sa mata basahin ang paratang nitong INC na ito. Mali-mali ang pagbabaybay at gramatika. Talagang nagpapakita lamang ng kabobohan sa maraaming bagay itong INC na ito. Maliban diyan, punong-puno ring ng kasinungalingan na nadampot niya sa kanyang mga ministro na naturuan naman ng kanilang amang Diablo (Juan 8:44).

Ayon sa INC na si Jeremy Reyes, sinulat daw ng paring Katoliko na ang mga nag-aantanda ng krus kampon ng mga anti-Cristo. Tama po ba ang paratang na ito?

Pansinin po ninyo kung may nakasulat sa saknong na "tanda ng krus" na diumano'y tanda ng kampon ng Anti-Cristo. Mga sira ang ulo lamang na INC tulad ng hunyangong si Jeremy Reyes ang magsasabi na may nakasulat na "tanda ng krus" sa saknong sa pahina 210 ng Pasion Candaba. 

Tunghayan po natin sa Pasion Candaba[2] kung binanggit nga ni Padre Aniceto de la Merced na ang nag-aantanda ng krus ay kampon ng anti-Cristo. Sa pahina 210 (at hindi pahina 207 gaya ng binabanggit ng pulpol na INC na si Jeremy Reyes), ganito po ang ating mababasa:

“Ipinag-utos magquintal
sa noo o canang camay
sucat pagca quilalanan
na sila nga’i, campong tunay,
nitong Anti-Cristong hunghang.”

Sa lahat na marunong magbasa, maliban sa mga INC gaya ni Jeremy Reyes, tingnan po ninyo kung may binabanggit sa saknong si Padre Aniceto de la Merced na ang mga nagsa-sign of the cross o nag-aantanda ng krus ay kampon ng Anti-Cristo? May mababasa po ba kayo na “tanda ng krus” sa saknong na hinalaw sa Pasion Candaba? Wala po. Walang-wala. Ibig sabihin lamang po ay DAGDAG ng mga malisyosong kokote ng mga INC na walang unawa at hindi marunong magbasa. Bakit po sadyang ganito ang mga INC? Sapagkat sila ay nabulagan na gawa ng lahat na kasinungalingang ipinunla sa kanilang makikitid at mapupurol na kokote ng kanilang mga ministrong mandaraya.

Nakakain siguro ng dinuguan ang INC na si Jeremy Reyes kaya nagdilim ang kanyang utak at naging kasing-itim ng dinuguan

0 comments: